Panibagong tax exemption bill lusot na sa Senado
Inaprubahan na ng Senado ang panukalang itaas pa ang coverage ng sweldo ng mga mangagawa na malilibre sa buwis.
Sa ilalim ng Senate Bill 1592 o Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN, aprubado na ang bersyon na malibre sa buwis ang mga mangagawang kumikita ng P250,000 kada taon.
Itoy para madagdagan pa ang take home pay ng mga manggagawa at makasabay sa kasalukuyang inflation rate o pagmahal ng mga bilihin at serbisyo.
Sa datos ng Department of Finance, aabot sa 90-percent ng mga empleyado sa buong bansa ang makikinabang sa nabanggit na tax exemption na magiging epektibo sa susunod na taon kung di na mababago sa bicam deliverations .
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.