Mga personalidad sa P6.4 Billion shabu shipment mula sa China kinasuhan na ng DOJ
Kinasuhan na ng Department of Justice sa Valenzuela Regional Trial Court ang mga personalidad na sinasabing nasa likod ng importasyon ng mahigit P6 Billion na shabu mula sa China na nasabat sa isang warehouse sa Valenzuela City.
Ito ay matapos na makakita ng probable cause ang DOJ na kasuhan ang mga respondent sa kaso.
Kinasuhan ng DOJ ng mga paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act sina Chen Ju Long alyas Richars Chen at Richard Tan na pawang may-ari ng Longfei Logistics warehouse kung saan nadiskubre ang 600 kilong shabu.
Sinampahan din ng kaso ang sinasabing fixer sa Bureau of Customs na si Mark Taguba, negosyanteng sina Li Guang Feng alyas Manny Li, Dog Yi Shen Xi alyas Kenneth Dong, Eirene Mae Tatad -may-ari ng EMT trading, customs broker na si Teejay Marcellana pati ang mga Chinese national na sina Chen Min, Jhu Mhing Jyun, hen Rong Huan at ilan pang Jane at John Does.
Walang piyansang inirekomenda ng DOJ laban sa mga akusado.
Samantala, inilaglag ng DOJ ang reklamo ng PDEA laban sa mga dating opisyal ng Bureau of Customs dahil sa kakulangan ng matibay na ebidensya.
Kabilang dito si dating BOC Commissioner Nicanor Faeldon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.