Chief Justice Sereno mas pinaghahandaan ang pagharap sa impeachment court

By Alvin Barcelona November 22, 2017 - 04:15 PM

Radyo Inquirer

Ipinauubaya na lang ng kampo ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Senado bilang impeachment court ang kapalaran ng impeachment case nito.

Kasunod ito ng pagtanggi ng House Justice Committee na matanong ng mga abogado ni Sereno ang mga witness sa impeachment complaint laban sa Punong Mahistrado.

Ayon kay Atty. Josa Deinla, isa itong malungkot na araw para sa hustisya dahil ipinagkaitan ng karapatan sa Saligang Batas Sereno na matapang na tagapagtanggol ng Konstitusyon.

Hinihintay na lamang ni Sereno ang pagkakataon niya na ipagtanggol ang kanyang sarili sa pagdinig ng kanyang impeachment sa Senado kung saan umaasa siyang irerespeto ang kanyang mga karapatan.

Nanindigan si Deinla na mali ang House Justice Commitee sa pagtanggi sa karapatan ni Sereno na katawanin ng abogado base sa Section 13(2) ng House Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation.

Una rito, ibinasura ng justice committee ang mosyon ni sereno sa botong 30-4 .

Iginiit ni Deinla na ang cross examination sa pamamagitan ng abogado ay hindi lamang bahagi ng due process kundi maaari pang makatulong para lumabas ang katotohanan sa mga alegasyon laban kay Sereno.

TAGS: Congress, deinla, impeachment, Senate, Sereno, Congress, deinla, impeachment, Senate, Sereno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.