Ilang riders nahuli sa mahigpit na pagpapatupad ng motorcycle lane

By Len Montaño November 22, 2017 - 11:44 AM

Ilang riders ang nasampolan ng mahigpit na pagpapatupad ng MMDA ng motorcycle lane sa EDSA.

Alas 5:00 pa lang ng umaga ay ipinatupad na ng MMDA ang blue lane policy at bandang alas 7:00 ng umaga ay nasa labingdalawang riders na ang nahuli.

Ayon sa ilang nahuling riders, hindi nila alam ang advisory ng MMDA na simula na ngayong Miyerkules ay mas magiging mahigpit na ang implementasyon ng motorcycle lane.

Bago ito ay mahigpit na ring ipinatupad ng ahensya ng yellow o bus lane sa EDSA na istriktong daanan ng mga pampasaherong bus, UVs at AUVs.

Habang ang blue o motorcycle lane ang pwede lamang daanan ng mga motorsiklo pero pwede rin itong daanan ng ibang private vehicles.

Sinabi naman ng MMDA na huhulihin din nila ang mga riders na walang suot na helmet at mga motorsiklo na sira ang headlights.

 

 

 

 

 

 

TAGS: edsa, mmda, motorcycle lane, edsa, mmda, motorcycle lane

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.