Nagtipon-tipon sa Intramuros sa Maynila ang libo-libong miyembro ng Girl Scout of the Philippines (GSP) mula sa iba’t-ibang rehiyon para ipakita ang suporta nila sa kampanya ng Commission on Elections (Comelec) sa pagpaparehistro.
Ayon kay GSP President Susan Locsin, kasabay ng paggunita ng girl scout week, ang dalawang milyong GSP members sa buong bansa ay handang tumulong sa Comelec para palaganapin pa ang kanilang ‘no bio no boto’ campaign
Halos mapuno ng mga GSP members ang Plaza del Roma na nasa harapan ng tanggapan ng Comelec sa Intramuros.
Ang mga GSP members na nagtungo sa Intramuros ay pawang mula pa sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa kanilang ang Central at Northern Luzon, Ilocos Region, Southern Tagalog Region kabilanga ng mga mula sa lalawigan ng Quezon at sa Lucena City gayundin ang mula sa National Capital Region.
Sa October 31, 2015 ang itinakda ng Comelec na deadline para pagpapakuha ng biometrics, pagpaparehistro at pag-transfer ng rehistro sa mga local offices ng Comelec gayundin sa mga satellite registration sa mga mall.