Peace talks sa CPP/NPA/NDF, kinansela na ng pamahalaan
Pormal nang kinansela ng pamahalaaan ang usapang kapayapaan sa pagitan ng mga kinatawan ng gobyerno at ng CPP/NPA/NDF.
Sa inilabas na statement, sinabi ni Presidential Adviser Jesus Dureza ito ay kasunod na rin ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na itigil na ang peace talks sa nasabing grupo.
Ani Dureza, ang mga naganap na insidente ng pananambang ng komunistang rebelde ang nagtulak sa pangulo para magpasya na huwag nang ituloy ang peace talks.
“There will be no peace negotiations anymore with the CPP/NPA/NDF until such time as the desired enabling environment conducive to a change in the government’s position become evident,” ayon kay Dureza.
Aminado naman si Dureza na nakapanghihinayang ang nangyari dahil malayo na ang narating ng negosasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.