WATCH: Dalawang bouncer arestado sa pambubugbog sa lasing na barbero sa Maynila

Kuha ni Mark Makalalad

Arestado ang dalawang bouncer ng isang KTV bar matapos bugbugin ang lasing na barbero sa Maceda kanto ng Maria Clara St, Sampaloc, Manila.

Nakilala ng Manila Police District Station 4 mga suspek na sina Leo Mendoza at Rowel Villena.

Kwento ng biktima, naglalakad sila ng kanyang pinsan na si Junnie nang mapadaan sila sa tapat ng bar.

Nagulat na lamang umano sila nang sila ay harangin ng hindi bababa sa walong lalaki.

Pinaulanan umano siya ng suntok ng mga lalaki at pinagtulungang bugbugin hanggang sa mawalan siya ng malay.

Sa tindi ng pinsala, bugbog-sarado ang mukha ng biktima at nagtamo rin ito ng sugat sa tagiliran makaraang hampasin ng armalite ng isang alyas Melvin na boss umano sa naturang KTV bar kung saan sya may atraso.

Giit naman ng mga suspek, matagal nang nangugulo ang biktima sa kanilang bar at sa tuwing nakakainom ito ay sila ang napagdidiskitahan.

Narito ang ulat ni Mark Makalalad:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...