Mga mangingisda pinagbawalang mangisda sa baybaying dagat ng Parañaque City
Nasa 150 na mga mangingisda ang maaapektuhan sa idaraos na APEC Summit sa Nobyembre matapos silang pagbawalang mangisda sa karagatan na nasasakupan ng lungsod ng Paranaque.
Ayon kay Mario Jimenez, Special Service Office Chief ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, inabisuhan sila ng Philippine Coast Guard (PCG) para ipabatid sa grupo ng mga mangingisda na hindi muna sila maaring mangisda sa karagatang nasasakupan ng lungsod dahil sa isa ito sa mga lugar ang pupuntahan ng mga delegado ng APEC.
Napag-alaman na magkatuwang ang pamahalaang lungsod ng Paranaque at Philippine Coast Guard sa pagpapatupad ng pagbabawal, na tinawag na Bantay Kalikasan Task Force.
Kaugnay nito, pinulong na rin ang 150 mangingisda na nakabase sa lungsod para ipaliwanag na bawal muna silang manghuli ng mga isda mula sa karagatan ng Paranaque City hanggang Manila Bay habang ginaganap ang APEC Summit.
Pansamantala, maari lamang manghuli ng isda sa Cavite area ang mga apektadong mangingisda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.