Biyahe ng MRT, muling nagka-aberya

Nakapagtala muli ng aberya sa biyahe ng Metro Rail Transit – 3 ngayong araw ng Miyerkules.

Sa abiso ng MRT-3 sa kanilang twitter, pinababa ang mga pasahero sa Ortigas station southbound alas 7:46 ng umaga.

Ito ay dahil sa naranasang technical problem ng isang tren.

Itinaas sa category 3 ang status ng biyahe at dinala sa depot ang nagkaproblemang tren para ayusin.

Pinasakay naman sa kasunod na tren ang mga naapektuhang pasahero.

 

 

 

 

 

 

Read more...