Criminology graduate, arestado sa pananakit sa kaniyang nobya; pulis na umawat, sinakal pa

Arestado ang isang criminology graduate matapos saktan ang kaniyang nobya at sakalin pa ang pulis na umawat sa kaniya sa Type C NBP Reservation, Brgy. Poblacion Muntinlupa City.

Sa imbestigasyon ng Muntinlupa Police, napadaan lang sa naturang lugar si PO3 Alexon Orpia, shift supervisor ng PCP 6, nang makita na may magkasintahan na nagtatalo.

Inawat niya umano ang lalaki na nakilalang si Jhonwel Bulac pero sa halip na tumigil ito ay nagalit pa ito sa kanya.

Sinugod umano siya ni Bulac at nagkaroon ng pagtatalo na humantong sa pananakal.

Agad na tinawag ni PO3 Orpia ang dalawa pang pulis at pinagtulungan nilang arestuhin ang lasing na suspek.

Bagama’t pinatawad na ng kanyang nobya si Bulac, desidido si PO3 Orpia na sampahan ng kasong direct assault at usurpation of authority ang suspek.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...