Labor inspections sa mga business establishment, sususpindihin ng DOLE

By Mark Gene Makalalad November 22, 2017 - 07:10 AM

Para maiwasan ang posibleng panunuhol sa kanilang mga tauhan, minabuti nang Department of Labor and Employment (DOLE) na magpatupad ng suspensyon sa pagsasagawa ng labor inspection sa Christmas season.

Ayon kay Labor Undersecretary Joel Maglungsod, mula December 8 hanggang January 7, 2018 ay hindi muna magpapatupad ang kagawaran ng labor inspection.

Paliwanag ni Maglungsod, bagaman walang intensyong tumanggap ng regalo ang kanilang mga tauhan ay maari silang masuhulan at ito ang kanilang iniiwasan.

Sa pagsasagawa ng labor inspection, sinusuri ng mga labor law compliance officer ang mga kumpanya at inaalam ang kanilang mga posibleng paglabag sa labor rights and regulations, kasama na ang occupational health standards, non-payment of salaries at kung umiiral ang contractualization.

Tiniyak naman ng DOLE na patuloy silang tatanggap ng mga reklamo at maari pa ring tumawag sa kanila ang mga empleyado kung may gusto silang isumbong sa hindi magandang kondisyon nila sa trabaho.

Kung may matatanggap na reklamo, sinabi ni Maglungsod na agad aaksyon ang DOLE kahit umiiral ang suspensyon sa labor inspection.

Maari naman kasi aniya silang mag-utos ng pagsasagawa ng special inspection.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Christmas Season, Department of Labor and Employment, Labor inspections, Radyo Inquirer, Christmas Season, Department of Labor and Employment, Labor inspections, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.