Motorcycle shop, nasunog sa Caloocan
Tinupok ng apoy ang isang motorcycle shop sa bahagi ng 10th Avenue sa Caloocan City.
Nagsimula ang sunog bago mag-11:00 ng gabi ng Martes.
Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, wiring ng CCTV ang pinagmulan ng apoy.
Nasunog ang mga paninda sa loob ng shop kabilang ang mga gulong at goma.
Naging maagap naman ang mga bumbero at umabot lang sa 1st alarm ang sunog at naideklarang fire out alas 11:44 ng gabi.
Wala namang nasaktan sa insidente at hindi na rin kumalat pa ang sunog sa mga katabing tindahan nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.