Mahigpit na pagpapatupad sa motorcycle lane, simula na ngayong araw
Umpisa ngayong araw ay maghihigpit na ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagpapatupad ng motorcycle lane sa kahabaan ng EDSA.
Ang mga motorsiklo na lalabas sa motorcycle lane na may kulay asul na linya ay huhulihin na at pagmumultahin.
Multang P500 ang ipapataw para sa unang paglabag ng rider.
Ayon sa MMDA, pwede namang mag-overtake ang mga motorsiklo pero sa kaliwa lang dapat sila mag overtake at dapat ay bumalik agad sila sa motorcycle lane.
Maliban sa mga tauhan ng MMDA na ipakakalat sa kahabaan ng EDSA ay gagamitin din ang mga CCTV para bantayan ang mga lalabag na motorcycle rider.
Ang mga pribadong sasakyan ay papayagan pa rin namang bumaybay sa motorcycle lane.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.