Higit 80 simbahan at mga unibersidad sa bansa kabilang ang Katedral ng Maynila at Davao ang iilawan ng kulay pula.
Ayon kay National Director of Aid to the Church in Need (ACN) Philippines, Jonathan Luciano, ang pagkulay na ito ay upang magbigay atensyon sa mga Kristiyanong naghihirap dahil sa mga persekusyon sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ayon sa isang ulat ng ACN, 75 porsyento ng religious persecutions ay nangyayari laban sa mga Kristiyano dahil sa tatlong kadahilanan: state-sponsored persecution; fundamentalist nationalism; at extremism na nangyari na rin sa Pilipinas sa katatapos lamang na krisis sa Marawi.
Noong 2016 ay 90,000 katao ang namatay dahil sa religious persecution habang 500 milyong Kristiyano naman ang hindi maipahayag ang pananampalataya ayon sa ACN.
Magiging sentro ng event ang symbolikong pag-iilaw ng pula sa mga simbahan at paaralan at ang Banal na Misa.
Sabay-sabay na gaganapin sa iba’t ibang panig ng bansa ang seremonya ganap na ika- 5:30 ng hapon.
Ang naturang aktibidad ay inendorso ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.