Open-pit mining, ayaw ibalik ni Duterte

 

Tahasang tumanggi si Pangulong Rodrigo Duterte sa rekomendasyon ng Mining Industry Coordinating Council (MICC) na alisin na ang ban sa open-pit mining sa Pilipinas.

Iginiit ng pangulo na ayaw niya sa open-pit mining dahil sinisira nito ang lupa pati na ang kapaligiran.

“Ayaw ko because it is destroying the soil and the environment. Ate along corrective measures agad,” ayon kay Duterte.

Dagdag ng pangulo, batid na batid ang pagkasira ng lupa at kapaligiran sa mga lugar kung saan mayroong open-pit mining.

Ang problema aniya kasi sa ganitong pagmimina, kinakayas lang ang ibabaw ng lupa para makakuha ng nickel.

Bagaman aminado ang presidente na may magandang kita sa nickel, handa siyang palipasin na ito dahil kapalit naman nito ang pagkawala ng mga puno.

Hindi alintana ni Duterte kahit na umabot ng P70 bilyon kada taon ang kinikita ng gobyerno sa buwis, dahil mas nais niyang makitang may mga puno pa na tumutubo.

“I must see the trees growing or blooming. Otherwise, why will I suffer for you? I’m depriving to… the country. Sisirahan kita. How much do I earn from the taxation? About 70 billion a year? I can let it go. So what kung wala tayo?” ani Duterte.

Read more...