Nakaranas ng magnitude 4.0 na lindol ang lalawigan ng Leyte, dakong alas 12:24, Miyerkules ng madaling-araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 12 kilometro sa kanluran ng Capoocan, Leyte.
Tectonic ang pinagmulan ang pagyanig na may lalim na labing-isang kilometro.
Wala pa namang naitalang intensity o lakas ng pagyanig na naramdaman sa naapektuhang lugar ang Phivolcs sa kasalukuyan.
Samantala, makalipas ang tatlong minuto, isang magnitude 2.7 na lindol muli ang naitala ilang kilometro lamang ang layo sa naunang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.