Mga kumpanyang nagbabayad ng revolutionary tax sa NPA, nanganganib na ipasara ng pangulo

 

Binantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kumpanyang patuloy na nagbibigay ng ‘revolutionary tax’ sa New People’s Army na itigil na ang pagbibigay nito ng suporta sa rebeldeng grupo.

Ayon sa pangulo, ngayong tuluyang pinutol na ng pamahalaan ang pakikipag-ugnayan sa NPA at sa kanilang liderato, dapat na ring itigil ng mga kumpanya ang pagbibigay ng pera sa mga ito.

Sa oras aniyang magsagawa siya ng all-out operations laban sa mga komunista, maglulunsad rin sila ng crackdown sa mga nagpopondo sa tinaguriang teroristang grupo.

At kung patuloy aniyang magbibigay ng revolutionary tax ang mga negosyante at kumpanya ay agad niya itong ipapasara.

Inihalimbawa pa ng pangulo ang mga mining companies na nagbibigay ng revolutionary tax sa NPA upang hindi perwisyuhin ng mga rebelde sa kanilang pagmimina sa mga kabundukan.

Read more...