Nagdeklara na rin ng state of emergency sa Coquimbo Region dahil sa tindi ng pinsala na tinamo, matapos ang pagragasa ng tubig nang tumaas ang alon sa Chilean Coast.
Umabot sa halos isang milyong katao ang inilikas mula sa Pacific coastal areas sa Chile.
Ayon kay Chile President Michelle Bachelet, nagpapasalamat sila sa kooperasyon na ipinakita ng kanilang mga mamamayan.
Sa record ng National Emergency Office ng Chile, mayroong 9 na nasugatan at umabot sa 526 ang nasirang tahanan na karamihan ay mula sa Coquimbo.
“We know this is a very difficult situation, but we wish to salute the enormous cooperation of the population which ensured that — despite the scale of this earthquake — there are thankfully few victims,” ayon kay Bachelet
Sa dalampasigan ng Coquimbo, umabot sa 15 feet ang taas ng alon.
Bago ang lindol na naganap kahapon sa Chile, tumama na rin ang isang malakas na magnitude 8.8 na lindol sa nasabing bansa noong February 2010 kung saan mahigit 500 ang nasawi.