11 na ang patay sa lindol sa Chile

By Dona Dominguez-Cargullo September 18, 2015 - 07:52 AM

chile tsunamiUmabot na sa labingisa ang nasawi sa pagtama ng magnitude 8.3 na lindol sa Chile na sinundan ng tsunami sa baybayin ng nasabing bansa.

Nagdeklara na rin ng state of emergency sa Coquimbo Region dahil sa tindi ng pinsala na tinamo, matapos ang pagragasa ng tubig nang tumaas ang alon sa Chilean Coast.

Umabot sa halos isang milyong katao ang inilikas mula sa Pacific coastal areas sa Chile.

Ayon kay Chile President Michelle Bachelet, nagpapasalamat sila sa kooperasyon na ipinakita ng kanilang mga mamamayan.

Sa record ng National Emergency Office ng Chile, mayroong 9 na nasugatan at umabot sa 526 ang nasirang tahanan na karamihan ay mula sa Coquimbo.

“We know this is a very difficult situation, but we wish to salute the enormous cooperation of the population which ensured that — despite the scale of this earthquake — there are thankfully few victims,” ayon kay Bachelet

Sa dalampasigan ng Coquimbo, umabot sa 15 feet ang taas ng alon.

Bago ang lindol na naganap kahapon sa Chile, tumama na rin ang isang malakas na magnitude 8.8 na lindol sa nasabing bansa noong February 2010 kung saan mahigit 500 ang nasawi.

TAGS: chilequake, chilequake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.