Pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre at Pangulong Duterte, nakatakdang magkita
May inaayos na meeting ang Palasyo ng Malakanyang para makaharap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pamilya ng nabiktima sa Maguindanao massacre.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nananatiling prayoridad ng Duterte administration na mabigyan ng hustisya ang mga nasawi sa Maguindanao massacre.
Sa November 23, gugunitain ang ikawalong anibersaryo ng Maguindanao massacre na kagagawan ng pamilya ni Mayor Andal Ampatuan.
Sa naturang karumadumal na krimen, nasa limampu’t walo katao karamihan sa mga ito ang brutal na pinagbabaril hanggang sa mapatay sa naturang lalawigan.
Kaisa aniya ang pangulo sa pamilya ng nga biktima na naghahangad ng katarungan.
Sinabi pa ni Roque na naniniwala ang pangulo na ang pagpaslang sa mga mamamahayag ay pagpaslang din ng karapataan ng malayang pamamahayag.
Bago naging Presidential Spokesman, nagsilbi si Roque bilang isa sa mga abogado ng pamilya ng mga biktima sa Maguindanao massacre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.