Reklamo laban sa sinibak pinuno ng DDB beripikado ayon sa Malacañang

By Chona Yu November 21, 2017 - 07:10 PM

Hindi gospel of truth ang liham ng nga empleyado ng Dangerous Drugs Board (DDB) na naglalantad ng mga katiwalian ng dati nilang pinuno na si Chairman Dionisio Santiago.

Ito ang ginawang paglilinaw ng Malacañang matapos pumalag si Santiago sa alegasyon na winaldas niya ang pera ng taong bayan sa pamamagitan ng biyahe sa U.S at Austria kasama ang kanyang girlfriend, coffee server, pamilya, at mga kadikit na empleyado sa DDB.

Pumalag rin si Santiago sa ulat na umano’y binigyan siya ng napatay na druglord na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog ng bahay at pera.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, madali namang mapabulaanan ni Santiago ang mga alegasyon.

Nanindigan pa si Roque na sumailalim muna sa berepikasyon sa Office of the President ang liham o ang reklamo bago isinapubliko.

Ayon kay Roque, ang pagsibak ni Pangulong Duterte kay Santiago ay isang mensahe sa mga tauhan ng gobyerno na tiyaking mas pure o mas malinis pa sila kaysa sa asawa ng romanong pulitiko na si Julius Ceasar.

TAGS: DDB, Dionisio Santiago, Harry Roque, Malacañang, parojinog, DDB, Dionisio Santiago, Harry Roque, Malacañang, parojinog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.