Pilipinas hindi kapos sa sardinas ayon sa Department of Agriculture

By Mark Makalalad November 21, 2017 - 04:41 PM

Inquirer

Nilinaw ni Agriculture Secretary Manny Pinol na walang shortage o pagkukulang ng isda na ginagawang sardinas.

Ayon kay Pinol, sagana sa supply ng tamban sa palibot ng  Zamboanga Peninsula.

Aniya, responsibilidad ng kagawaran na tiyakin na matatag ang  supply ng mga isda pero hindi na nila sakop kung ang mga isda ay dumadaan na sa pabrika o canned goods  .

Samantala, kanya namang ibinalita na bumaba ang agriculture performance ng bansa sa ikatlong quarter ng taon.

Kumpara sa nakalipas na siyam na buwan, naapektuhan ang fisheries performance ng bansa dahil na rin sa panahon ng habagat.

Sa panahon kasi na ito ay hindi rin nakakapaglayag ang mga mangingisda dahilan para kumonti ang huli ng mga ito na binebenta sa merkado.

Paliwanag ni Piñol naapektuhan din ang bansa dahil sa pagtama ng bird flu sa Pampanga at Nueva Ecija kung saan nalimitahan ang bentahan ng poultry products.

Gayunman, maikukunsidera pa rin umano na maganda ang livestock pefrormance ng bansa.

Nakatakda namang magsasagawa ng review ang D.A sa paghawak ng Avian Influenza case sa hinaharap.

TAGS: piñol. agriculture, sardines, Tamban, piñol. agriculture, sardines, Tamban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.