Lacson: Pagtatatag ng revolutionary government walang basehan

By Ruel Perez November 21, 2017 - 03:46 PM

Inquirer photo

Naniniwala si Sen. Ping Lacson na walang basehan si Pangulong Rodrigo Duterte sa banta nitong pagdeklara ng revolutionary government.

Ayon kay Lacson, puwede lamang magkaroon ng revolutionary government kung magkaroon ng rebolusyon tulad ng nangyari sa panahon ni dating Pangulong Cory Aquino.

Maging sa Saligang Batas ay wala rin umanong makikitang probisyon sa alinmang pagkakataon na pinapayagan ang pagtatag ng revolutionary government.

Dagdag ni Lacson, hindi niya naiintindihan kung ano ang motibo ng pangulo para sabihin ito pero giit ng senador binawi din naman ng presidente ang banta nito.

Nauna nang sinabi ng pangulo na hindi siya magdadalawang-isip na magdeklara ng revolutionary government kapag umabot na sa karahasan ang tangkang pagpapabagsak sa kanyang administrasyon.

TAGS: duterte, lacson, revolutionary government, duterte, lacson, revolutionary government

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.