PHIVOLCS, pinag-iingat ang publiko sa maling impormasyon sa tsunami

By Stanley Gajete September 18, 2015 - 05:13 AM

phivolcsPinag-iingat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs ang publiko mula sa mga maling impormayong kumakalat ukol sa tsunami.

Ito ay bunsod ng naganap na malakas na lindol sa bansang Chile, na ikinamatay na ng ilang katao.

Sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum na mas nakakatakot at mas mapanganib pa minsan ang mga maling balita, kumpara sa tunay na nangyari, tulad ng lindol at tsunami.

Aniya, masyadong malayo sa Pilipinas ang bansang Chile, na tinamaan ng 8.3 magnitude na lindol.

Ito na ang itinuturing na pinakamalakas na lindol na tumama sa buong mundo ngayong taon.

Nasa 0.3 meters lamang umano ang posibilidad na maaaring tumama ito sa ilang bansa sa Asya, kaya hindi na halos ito mararamdaman sa mga dalampasigan.

Una na rito naglabas ng advisory ang Phivolcs sa maaaring pagtama ng tsunami sa ilang mga lugar tulad ng Batanes, Cagayan, Ilocos Norte, Isabela, Quezon, Aurora, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Catanduanes, Sorsogon, Northern Samar, Eastern Samar, Leyte, southern Leyte, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Davao Oriental, Davao del Sur at Davao Occidental.

Wala namang dapat nang ikabahala ang mga residente dahil wala nang banta ng mga malalaking along dulot ng tsunami.

TAGS: hoax tsunami alert, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, hoax tsunami alert, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.