Martial law extension sa Mindanao, pinaburan ng liderato ng Kamara
Kahit pa napulbos na ang Maute terror group sa Marawi City pabor si House Speaker Pantaleon Alvarez na palawigin pa ang pagpapairal ng batas militar sa Mindanao.
Ayon kay Alvarez, bilang taga Mindanao ay ramdam niya ang positibong epekto nito sa rehiyon at nakikita niya ang pangangailangan na i-extend pa ito.
Gayunman, sinabi ng lider ng kamara na dapat magsagawa muna ng survey sa buong Mindanao upang kunin ang panig ng ibang mga taga roon.
Ito aniya ang dapat pagbasehan kung palalawigin pa ang batas militar na matatapos na sa katapusan ng Disyembre ng kasalukuyang taon.
Iginiit naman ni Alvarez na ang mga taga Mindanao lamang ang may karapatang maglabas ng sentimyento hinggil sa isyu dahil sila ang direktang apektado.
Pinayuhan naman ng house speaker ang mga taga Luzon na nagrereklamo na lumipat muna ng Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.