DepEd, inatasang magsagawa ng make-up classes ang mga paaralan sa Maynila
Inatasan na ng Department of Education (DepEd) ang mga paaralan sa Metro Manila na magsagawa ng make-up classes.
Ito ay kaugnay parin ng nakaambang suspensyon ng klase sa Nobyembre dahil sa isasagawang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) meeting sa bansa.
Ayon sa memorandum na inilabas ni DepEd-National Capital Region (NCR) Director Luz Almeda, maaari nang magsagawa ng desisyon ang mga school division kung kailan nila isasagawa ang mga make-up clasess base sa kanilang mga itinakdang petsa.
Pinaaalahanan naman ang mga paaralan na dapat pa rin nilang sundin ang mga requirement sa kabuuang bilang ng school days na dapat ipasok.
Suspendido na ang klase mula Nobyembre 17 (Martes) hanggang Nobyembre 20 (Biyernes) upang masiguro ang seguridad, at lumuwag ang trapiko sa Kamaynilaan.
Base sa Proclamation No. 1072 ng Malacañang, idineklara ang Nobyembre 18 at 19 bilang non-working holidays sa Metro Manila dahil sa gaganaping APEC.
Inaasahan namang dadaluhan ng mga lider ng 21 bansang kasapi ng APEC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.