Mga dating gabinete ni Aquino, inireklamo ng plunder dahil sa anomalya sa MRT-3 contract

By Mark Gene Makalalad November 21, 2017 - 10:54 AM

Sinampahan ng plunder sa Office of the Ombudsman ng Department of Transportation (DOTr) ang mga dating miyembro ng gabinete ni dating Pangulong Noynoy Aquino dahil sa umano ay anomaly sa maintenance contract ng MRT-3 na pinasok ng dating administrasyon.

Ang reklamo ay inihain ni DOTr Undersecretary Reinier Yebra sa Ombudsman laban sa mga sumusunod na dating miyembro ng gabinete ng Aquino administration:

  • dating DILG Secretary Mar Roxas
  • dating DOTC Secretary Jun Abaya
  • dating DBM Secretary Florencio Abad
  • dating DOF Secretary Cesar Purisima
  • dating DOE Secretary Jericho Petilla
  • dating DOST Mario Montejo
  • dating DND Secretary Voltaire Gazmin
  • dating DPWH Secretary Rogelio Singson
  • at dating NEDA Secretary Arsenio Balicasan

Kasama din sa plunder complaint ang dating undersecretaries ng DOTC na sina:

  • Edwin Lopez
  • Rene Limcaoco
  • at Catherine Gonzales
  • dating MRT-3 general Manager Roman Buenafe
  • mga dating opisyal ng Bids and Awards Committee
  • mga dating opisyal ng BURI
  • at isang Marlo Dela Cruz

Bulto-bultong papel ang bitbit ni Yebra sa Ombudsman na pawang supporting documents sa inihaing plunder complaint.

Isinisisi ng DOTr sa maanomalyang kontrata na pinasok ng pamahalaang Aquino sa BURI ang mga kapalpakang nararanasan ngayon sa biyahe ng MRT.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: aquino administration, Aquino cabinet, butch abad, Cesar Purisima, jun abaya, Mar Roxas, MRT 3, MRt-3 contract, aquino administration, Aquino cabinet, butch abad, Cesar Purisima, jun abaya, Mar Roxas, MRT 3, MRt-3 contract

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.