Biyahe ng bus mula North Ave. hanggang Ayala sa EDSA, wala pang 1-oras dahil sa mahigpit na pagpapairal sa “yellow lane”
Bumilis ang biyahe ng mga bus na bumabaybay sa kahabaan ng EDSA.
Ang bus na nagbibigay ng alalay sa mga pasahero ng MRT ay bumiyahe lang ng wala pang isang oras mula Quezon City hanggang Ayala sa Makati.
Ang bus 1 ng “MMDA Alalay sa MRT” na umalis sa North Avenue Station ng Alas 6:16 ng umaga at nakarating sa Ortigas Station ng 7:01 ng umaga at alas 7:12 ng umaga sa Ayala Station.
Mula Ayala, nakabalik ito sa North Avenue alas 7:46 ng umaga.
Ang bus 2 naman na umalis ng alas 6:21 ng umaga sa North Avenue ay mas mabilis ang naging biyahe.
Ito ay dumating sa Ortigas Station ng alas 7:02 ng umaga at alas 7:14 ng umaga sa Ayala Station.
Ang mga bus sa ilalim ng “MMDA Alalay sa MRT” ay opsyon ng mga pasahero ng tren na ayaw pumila ng matagal sa MRT.
Kapag rush hour, inaabot din ng halos isang oras ang pagpila sa MRT mula sa ibaba hanggang sa pagdating platform bago tuluyang makasakay ng tren.
Ngayong ikalawang araw ng paghihigpit sa “yellow lane” sa EDSA, marami pa ring pribadong sasakyan ang nahuli dahil sa pagbaybay sa nasabing linya.
Mayroon din namang mga bus na lumalabas sa “yellow lane” ang hinuli ng MMDA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.