Para tuluyan nang maresolba ang matinding problema sa Metro Rail Transit (MRT), humihirit ang Malakanyang sa kongreso na pagkalooban na ng special power si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito at para mapadali ang pagresolba sa problema sa MRT.
Tiyak din aniyang gagawa ng legal na hakbang ang kumpanyang Busan para hindi tuluyang mawala ang bilyones na kontrata bilang maintenance provider ng MRT.
Gayunman araw na lamang aniya ang binibilang ngayon ng Department of Transportation (DOTr) para sampahan din ang kumpanyang Busan dahil sa mga kapalpakan nito.
Kasabay nito, tiniyak ni Roque na magpapakita rin ang pangulo ng political will para resolbahin ang problema sa MRT gaya ng ipinakita nitong political will sa pagsugpo sa problema sa ilgal na droga at korapsyon.