Hindi kalaban si Sen. Grace Poe- PNoy

By Stanley Gajete September 18, 2015 - 04:54 AM

poe-aquino (1)Hindi umano itinuturing na kalaban ni Pangulong Noynoy Aquino si Senator Grace Poe na ngayon ay nag-deklara ng tatakbo bilang pangulo sa 2016 elections.

Aniya, wala siyang hinanakit sa naging desisyon ni Senator Poe, sa kabila ng matagal nilang panunuyo upang maging running mate ni Mar Roxas.

Sa isang press conference, sinabi ni PNoy na hindi niya ibinibilang na kaaway ng Daang Matuwid ang kampanya sa Poe.

Aniya, nagpapasalamat pa siya at kinilala ni Poe ang mga nasimulan ng administrasyon, at sinabi din na nag abiso sa isang text message ang senadora bago siya nagsagawa ng anunsyo.

Bandang 10:00 na ng gabi nang makatanggap umano ng isang mensahe si PNoy mula kay Poe na tila nagpapaalam sa kanya, sa kabila ng magandang intensyon nito.

Hindi naman daw aatikin ni Senator Poe si PNoy dahil sa mga nagawa nito, ngunti marrin namang sinabi ng Pangulo na kung kinakailangan siyang i-critic, ay hindi nya ito mamasamain.

Sa kabila nito’y inaasahan daw ni Senator Poe na sa mga susunod na araw ay may mga darating nang mga kritisismo sa kanya, na magpapatuloy hanggang sa panahon umano ng kanyang kampanya.

TAGS: 2016 elections, president aquino, sen grace poe, 2016 elections, president aquino, sen grace poe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.