LPA sa labas ng bansa, papasok sa PAR sa susunod na dalawang araw

By Dona Dominguez-Cargullo November 21, 2017 - 08:05 AM

Posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA na nasa labas pa ngayon ng bansa.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Lorie Dela Cruz, sa susunod na 24 hanggang 48 oras ay maaring pumasok ng bansa ang LPA.

Sa ngayon apektado na ng extension nito ang maraming lugar sa Mindanao.

Hindi rin inaalis ng PAGASA ang posibilidad na ito ay lumakas pa at maging isang ganap na bagyo.

Sa sandaling maging bagyo habang nasa loob ng bansa ay papangalanan itong “Urduja”.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: LPA, Pagasa, Urduja, weather, LPA, Pagasa, Urduja, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.