Printing establishment, nasunog sa Port Area Manila
Muntik nang matupok ang mga dyaryo nang isang printing establishment kung hindi napigilang kumalat ang apoy na nagsimula sa ikalawang palapag nito.
Pasado alas 4:00 ng umaga, nang nasunog ang ikalawang palapag ng Manila Times na umakyat sa ikalawang alarma ganap na alas 4:18.
Ayon kay Lito Navarez, isang maintenance worker, may narinig na lamang silang malakas na pagputok at makaraan nito ay sumiklab na ang apoy.
Hinala nila dahil ito sa jumper ng kuryente.
Nasa ikalawang bahagi ng gusali ang ilang mga karton, papel at pati na rin mga basura.
Hindi naman nadamay ang mga dyaryo na ide-deliver pa lamang na nasa ibabang bahagi mg gusali.
Wala namang nasugatan sa sunog na idineklarang fire out mag alas-5:00 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.