Dalawang magkasunod na lindol, tumama sa Davao Occidental

By Dona Dominguez-Cargullo November 21, 2017 - 06:50 AM

Niyanig ng dalawang magkasunod na lindol ang bayan ng Jose Abad Santos sa lalawigan ng Davao Occidental.

Unang tumama ang magnitude 3.2 na lindol alas 3:38 ng madaling araw ng Martes (Nov. 21).

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 107 kilometers South ng Jose Abad Santos.

May lalim na 12 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Alas 4:16 naman ng umaga ay tumama ang mas malakas na lindol sa nasabi ring bayan.

Naitala ng Phivolcs ang magnitude 4.1 sa bayan 44 kilometers South ng Jose Abad Santos na may lalim na 55 kilometers at tectonic din ang origin.

Hindi naman inaasahan ng Phivolcs na magdudulot ng pinsala ang dalawang magkasunod na lindol.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Davao Occidental, earthquake, Jose Abad Santos, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, Davao Occidental, earthquake, Jose Abad Santos, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.