Ayon sa PAGASA, tail-end ng cold front ang nakaaapekto sa eastern section ng Northern at Central Luzon.
Maghahatid ito ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Aurora at Quezon.
Northeast Monsoon naman ang umiiral sa Northern Luzon na maghahatid ng isolated at mahinang ulan sa Batanes at Babuyan Islands.
Habang extension ng LPA na nasa labas ng bansa ang maghahatid ng light hanggang moderate at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa buong Mindanao.
Sa Metro Manila naman at sa nalalabi pang bahagi ng bansa, localized thunderstorms lamang ang iiral na magdudulot ng isolated na mga pag-ulan.