Mental Health Act, lusot na sa mababang kapulungan

 

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang Mental Health Act na naglalayong bumuo ng national mental health system sa bansa, o ang Comprehensive Mental Health Act.

Bumoto ang lahat ng 223 na mambabatas pabor sa nasabing panukala at walang ni isa sa kanila ang hindi pumabor o nag-abstain dito.

Sa ilalim ng nasabing panukala, ipatutupad ang reconstitution at pagpapalakas sa Philippine Council for Mental Health, isusulong ang mga karapatan ng mga taong dumaranas ng mental illness, mas ilalapit ang mental health care sa mga komunidad at pagkakalooban ng mental health services ang mga drug dependents.

Ayon kay Deputy Speaker Rep. Miro Quimbo, naglalayon ang naturang panukala na masolusyunan ang mga aniya’y “biggest silent killers” sa bansa na bumawi sa buhay ng maraming inosenteng tao.

Kabilang ani Quimbo sa mga ito ang depression, anxiety, bipolarism at schizophrenia.

Naniniwala naman si Akbayan Rep. Tom Villarin na mas nailapit nito ang mga tao sa layuning matalakay ang mental health issues hindi lang bilang mga inidibidwal, kundi bilang isang lipunan.

Paliwanag ni Villarin, isang malaking bahagi ng maayos na mental health ng isang tao ang social conditions.

Read more...