Mga abogado ni CJ Sereno, hindi papayagan sa impeachment hearing kung wala siya-Alvarez
Ipagpapatuloy lang ng House committee on justice ang pagdinig sa impeachment case laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno kahit hindi siya dumalo.
Gayunman, nagbabala si House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi padadaluhin ng komite ang mga abogado ni Sereno kung wala doon ang punong mahistrado.
Giit ni Alvarez sa isang panayam, wala namang pakay doon ang mga abogado ni Sereno kung wala naman siya sa mismong pagdinig.
Ani Alvarez, wala namang gagawin doon ang mga abogado ni Sereno at baka gusto lang ng mga ito na magpa-interview sa media.
Dagdag pa ng House speaker, hindi naman sila ang sasalang sa impeachment kaya kung hindi naman nila maisasama ang punong mahistrado, hindi sila imbitado sa pagdinig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.