Ex-Wimbledon champ Jan Novotna, pumanaw na sa kanser

By Justinne Punsalang November 21, 2017 - 12:05 AM

 

Pumanaw na ang dating Wimbledon champion na si Jana Novotna sa edad na 49 matapos nitong makipaglaban sa sakit na cancer.

Ayon sa pamilya ng Czech tennis player, mapayapa ang paglisan sa mundo ni Novotna.

Noong 1998 napanalunan ni Novotna ang Wimbledon matapos niyang talunin ang pambato ng France na si Nathalie Tauziat.

Matatandaang bago niya makamit ang tagumpay ay dalawang beses pa muna siyang natalo sa naturang torneo.

Una noong 1993 laban kay Steffi Graf, at sumunod naman noong 1997 laban kay Martina Hingis.

Nagpa-abot naman ng pakikiramay ang iba pang mga tennis players sa naiwang pamilya ni Novotna.

Ilan dito ay sina Jo Durie na limang beses tinalo ni Novotna, Andrew Castle ng Britain, at Pam Shriver.

Ayon sa mga ito, masayahin, palabiro, at magaling na atleta si Novotna.

Anila, isang malaking kawalan para sa industriya ng tennis ang pagkamatay ng naturang tennis player.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.