IBP, nanawagan sa mga miyembro na manindigan kontra EJK

By Jan Escosio November 21, 2017 - 12:31 AM

Malaking hamon maging sa mga abogado ang usapin ukol sa pagsunod sa rule of law, paggawad ng hustisya at respeto sa mga karapatang-pantao sa isyu ng war on drugs ng administrasyong-Duterte.

Kayat paalala ni Atty. Adiel Dan Fajardo, national president ng Integrated Bar of the Philippines, sa mga kapwa abogado na sa pagtupad sa kanilang tungkulin ang ay palaging tandaan ang nakapaloob sa kanilang body of ethics at code of professional responsibility.

Aniya nagpatawag sila ng lawyers’ summit para matalakay ang pangangailangan ng mga biktima ng war on drugs na magkaroon ng mga abogado na mangangalaga at ipaglalaban ang kanilang mga karapatan.

Ayon naman kay Human Rights Comm. Roberto Cadiz malaking tulong ang hakbang na ito ng IBP para bigyan katarungan ang mga biktima ng anti-drug campaign.

Sinabi ni Cadiz na ngayon ay napakahalaga na maitaguyod ang rule of law hindi lang sa mga sinasabing extra-judicial killings kundi dahil na rin sa pag-atake sa mga institusyon, katulad ng Korte Suprema, Office of the Ombudsman at CHR.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.