20% student discount sa jeep at bus, gustong palawigin hanggang sa iba pang uri ng transportasyon
Isinusulong ngayon ni Senador Sonny Angara ang pagpasa ng panukalang pagpapalawig ng umiiral na 20% diskwento sa pasahe ng mga estudyante.
Sa ilalim ng Senate Bill 1597, tiyak umano na makatitipid ng malaki ang mga magulang dahil maliban sa matrikula, pinagkakagastusan din pati ang baon at pamasahe ng mga estudyante.
Inaasahan na makikinabang sa panukala ang lampas 20 milyon estudyante ng pribado at pampublikong eskwelahan.
Sasakupin ng panukalang 20% student discount ang regular domestic na byahe ng eroplano, jeepneys, bus, UV Express, taxi at TNV (transport network vehicle services) tulad ng Grab at Uber, MRT at LRT.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.