Ban sa open pit mining tuloy pa rin ayon sa Malacañang
Nilinaw ng Palasyo ng Malacañang na patuloy na umiiral ang ban sa open pit mining.
Ito ay sa kabila ng rekomendasyon ng Mining Industry Coordinating Council na ibalik na ang open pit mining sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, personal niyang tinanong si Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa isyu at iginiit na hindi nababago ang kanyang polisiya na ipagbawal pa rin ang open pit mining.
Gayunman, hindi pa matukoy ni Roque kung nakarating na ngayon sa pangulo ang rekomendasyon ng MICC.
Matatandaang nagpalabas noon si dating Environment Sec. Gina Lopez ng administrative order na nagbabawal sa open pit mining.
Pero noong Oktubre lamang, sinabi ni DENR Secretary Roy Cimatu na babawiin na ang ban sa open pit mining bago matapos ang taong kasalukuyan base na rin sa rekomendasyon ng MICC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.