Walang balak ang Palasyo ng Malacañang na sibakin na sa puwesto si Transportation Secretary Arthur Tugade.
Ito ay sa kabila ng panawagan ng ilang mambabatas na sibakin na sa serbisyo si Tugade dahil sa sunod sunod na aberya ng Metro Rail Transit (MRT 3).
Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi naman sa nagtuturo ng sisi ang Malacañang subalit sadyang namana lang ni Tugade ang problema sa nasabing rail system.
Gayunman, iginiit ni Roque na minamanmanan ng Malacañang ang mga hakbang na ginagawa ni Tugade.
Sa ngayon aniya, buo pa ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Tugade.
Dagdag ni Roque, mismong ang pangulo na rin ang nagsabi na tutulungan at susuportahan ang kalihim sa lahat ng pangangailangan nito maayos lamang ang serbisyo sa MRT.
Humihingi lang aniya ngayon ang pangulo ng kaunting panahon para tuluyang maayos ang problema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.