Suspek sa pagpatay kay Karen Montebon, pinaghahanap na ng mga pulis

By Kathleen Betina Aenlle September 18, 2015 - 04:34 AM

Karen Kaye Montebon, FACEBOOK PHOTO
Karen Kaye Montebon, FACEBOOK PHOTO

Mayroon ng suspek ang Lapu-Lapu City Police sa pagkamatay ng 17-anyos na Accountancy student na si Karen Kaye Montebon ayon sa kanilang hepe na si Senior Supt. Armado Radoc.

Nakatanggap naman ng tip ang mga pulis sa pamamagitan ng isang text na may nakaaway si Montebon bago ito matagpuang patay ng kaniyang ama sa kanilang tahanan sa Corinthians Subdivision sa Barangay Basak, Lapu-Lapu City, kaya tinitingnan na rin ng mga pulis na maaaring may personal na motibo ang pagpatay sa dalaga.

Bumuo na ng special team si Radoc para hanapin ang suspek. Tumanggi naman ang hepe na pangalanan o kahit kumpirmahin kung babae ba o lalaki ang suspek, pero nilinaw niya na hindi ito residente ng subdivision na tinitirhan nina Montebon.

Nauna nang sinabi ng mga pulis na may testigong naglahad na may isang babae at lalaking naka-motorsiklo itong namataan sa tapat ng bahay ng biktima. Naka-helmet ang lalaki at naiwan sa motor habang ang kasama nitong babae ay kumakatok sa bahay.

Pagkakalooban naman ng pamahalaang lokal ng Lapu-Lapu sa pangunguna ni Mayor Paz Radaza, ng P500,000 na pabuya ang sinumang makapagtuturo sa suspek.

Samantala, sinuspinde naman ang klase sa dalawang campus ng University of San Carlos, kung saan nag-aaral ang biktima, kahapon para magsagawa ng isa’t kalahating oras na prayer vigils para kay Montebon.

TAGS: karen montebon slay, karen montebon slay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.