Sumitomo umayaw sa alok na kontrata ng MRT-3

By Mariel Cruz November 20, 2017 - 03:17 PM

Inquirer photo

Hindi tinanggap ng orihinal na maintenance contractor ng MRT-3 na Sumitomo Corporation sa Japan ang alok ng gobyerno na bumalik at mangasiwa sa maintenance ng nasabing sa train system.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary Elvira Medina, mismong ang Sumitomo ang umayaw sa alok na muling maging maintenance provider ng MRT 3.

Aniya, ang Sumitomo ang nagturo sa mga Filipino pagdating sa maintenance aspect o pagpapatakbo ng MRT-3.

Umaasa si Medina na mahahanap nila ang mga taong sumailalim sa training ng Sumitomo.

Matatandaang sinuspinde na ng Department of Transportration (DOTr) ang maintenance contract ng MRT sa Busan Universal Railways Inc., (BURI) dahil sa sunud-sunod na aberyang nararanasan sa mga tren ng MRT.

Sinubukan ng pamahalaan na muling makuha ang serbisyo ng Sumitomo matapos i-terminate ang kontrata sa BURI.

Ayon kay Medina, maaaring may ibang dahilan ang nasabing kumpanya kung bakit hindi na nila ginusto pang bumalik.

TAGS: dotr, elvira medina, sumitomo, train system, dotr, elvira medina, sumitomo, train system

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.