Special team ng NBI iniimbestigahan na ang kumalas na bagon ng MRT 3
Inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang National Bureau of Investigation na tutukan ang posibilidad na sinasabotahe ang operasyon ng MRT-3.
Ito’y kaugnay ng insidente kung saan kumalas ang isang bagon mula sa tren sa pagitan ng Ayala at Buendia stations noong nakalipas na linggo.
Ayon kay Aguirre, naglabas siya ng isang department order sa NBI para magsagawa ng imbestigasyon sa nasabing insidente kasunod ng hiling ng Department of Transportation.
Aniya, ang iniutos niya ang pag-imbestiga sa anggulong pananabotahe dahil posibleng meron itong basehan.
Mahirap aniya na makalas ang dalawang bagon dahil makikita naman, na kahit ma-derail o tumumba ang isang tren ay magkakakabit pa rin ito.
Ayon naman kay NBI Director Dante Gierran, nagtalaga na siya ng isang team ng mga imbestigador na titingin sa nasabing insidente sa MRT.
Una nang inihayag ng DOTr ang posibilidad ng pananabotahe matapos mabunyag sa inisyal na imbestigasyon na nawala ang black box ang kumalas na tren.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.