Pag-abswelto sa mga Gatchalian sa kasong may kaugnayan sa buyout ng LWUA, pinagtibay ng Sandiganbayan

By Isa Avendaño-Umali November 20, 2017 - 01:15 PM

Inquirer File Photo

Tuluyan nang ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong katiwalian laban kina Senador Sherwin Gatchalian, Cong. Weslie Gatchalian at iba pang miyembro ng kanilang pamilya.

Ito’y kaugnay sa pagbili ng Local Water Utilities Administration o LWUA ng thrift bank ng co-owned ng mga Gatchalian na Express Saving Bank Inc. noong 2009.

Dahil sa desisyon na ito ng Sandiganbayan special 4th division, lifted na rin ang hold departure order o HDO laban sa mga Gatchalian na sina Sherwin, Wesley, Kenneth at ama nilang si William at inang si Dee Hua.

Bagama’t lusot na ang mga Gatchalian, sinabi ng Sandiganbayan na may probable cause pa rin na isyuhan ng warrant of arrest at ituloy ang pagdinig sa kaso laban kay Cong. Prospero Pichay, na siyang pinuno ng LWUA noong naganap ang buyout; at dating LWUA executive Wilfredo Feleo.

Nag-ugat ang kaso sa ginawang pagbili ng LWUA sa Express Savings Bank, pero ayon sa imbestigasyon ng Office of the Ombudsman ay nalugi ang pamahalaan sa nasabing investment na pinasok ni Pichay.

Maliban sa kasong graft, sinampahan din noon ng kasong malversation of public funds at paglabag sa bank regulations ang mga Gatchalian, na kinalauna’y ibinasura ng korte.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Express Saving Bank Inc, gatchalians, Local Water Utilities Administration, rex gatchalian, sandiganbayan, Sherwin Gatchalian, Express Saving Bank Inc, gatchalians, Local Water Utilities Administration, rex gatchalian, sandiganbayan, Sherwin Gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.