WATCH: Mga bakwit sa isang barangay sa Marawi, vegetable farming ang pinagkakakitan

Kuha ni Louie Ligon

Tuluy-tuloy pa rin ang tulong na natatanggap ng mga bakwit sa Barangay Bito Buadi Itowa sa Marawi City.

Ayon kay Barangay Captain Solaiman Ali, tinatayang nasa mahigit 400 na mga bakwit ang kinukupkop ng kanyang barangay.

Kabilang sa mga tumutulong ang iba’t ibang sektor, gaya na lamang ng Xavier University sa Cagayan de Oro City at Ateneo de Iloilo.

Nitong weekend, dumating sa barangay ang mga kinatawan mula sa dalawang paaralan bitbit ang tanghalian at 500 food packs para sa 1,000 indibidwal.

Maliban dito, pinagtutuunan din ng pansin ng donors ang maayos na rehabilitasyon para sa mga bakwit.

Samantala, tinatayang nasa 200 farmers ang nakikinabang sa pagtatanim sa isang ektarya sa Barangay Bito.

Isinasailalim sa agro-enterprise ang mga ito.

Ilan sa mga itinanim ng mga bakwit sa Barangay Bito ay mais, monggo, kalabasa, kangkong, pechay at lettuce.

Narito ang ulat ni Rohanisa Abbas:


 

 

 

 

 

 

 

Read more...