PNP Chief Dela Rosa, inalerto ang lahat ng police units sa central Mindanao sa pag-atake ng BIFF
Inalerto ni Philippine National Police Chief Director Gen. Ronald dela Rosa ang lahat ng police unit sa central Mindanao laban sa posibleng pag-atake ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Ayon kay Dela Rosa, posibleng umatake ang BIFF para ilihis ang atensyon ng militar laban kanilang mga miyembro sa Maguindanao.
Inutusan din ni Dela Rosa ang mga pulis sa central Mindanao na tumulong sa opensiba ng militar laban sa BIFF na pinangungunahan ni Esmail Sheikh Abdulmalik alyas ‘Abu Turaifie’.
Noong nakaraang Miyerkules, sinimulan na ng militar ang pagsugod sa mga posibleng pinagkukutaan ng BIFF sa bayan ng Shariff Aguak at Datu Unsay sa Maguindanao.
Naglunsad na din ng airstrikes laban sa BIFF, na kilalang kaalyado ng Maute group at sympathizer umano ng Islamic State.
Pinaigting ang opensiba ng militar laban sa BIFF matapos ideklara ng gobyerno na liberated na ang Marawi City sa mga terorista kasunod ng pagkakapatay sa Abu Sayyaf group leader na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.