WATCH: Sa gitna ng mga panawagang itigil ang operasyon ng MRT, pila ng mga pasahero ng tren, mahaba pa rin
Tuloy ang pagtangkilik ng mga publiko sa MRT sa gitna ng mga panawagang ipahinto na muna ang pagbiyahe nito.
Lunes ng umaga, normal ang sitwasyon at dami ng mga pasahero sa MRT partikular sa bahagi ng North Avenue Station.
Alas 7:00 ng umaga, umabot pa hanggang sa tapat ng Landmark ang pila ng mga pasahero sa MRT North Avenue Station, habang siksikan na ang mga pasaherong paakyat.
Dahil sa sitwasyon, ilan sa mga pasahero ay hindi na tyinaga ang pagpila at sa halip ay sumakay na lang sa P2P bus na naka-stanby sa istasyon.
Ang P2P ay bahagi ng alalay sa mga pasahero upang sila ay magkaroon ng option sa halip na pumila ng matagal para makasakay ng tren.
Magugunitang kasunod ng paulit-ulit na nararanasang aberya sa biyahe ng MRT, iminungkahi ni Senator Grace Poe na ipatigil muna ang operasyon nito para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.
Pinakahuling aberya ay ang pagkalas ng isang bagon mula sa tren sa pagitan ng Buendia at Ayala stations noong nakaraang linggo.
Samantala, nitong nagdaang Sabado at Linggo, nakapagpahinga ang mga pasahero sa aberya sa MRT, dahil walang naranasang technical problem at iba pang problema sa biyahe ng tren.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.