Sa unang araw ng paghihigpit sa “yellow lane” sa EDSA, mga motorista, nagreklamo sa matinding traffic
Taliwas sa pahayag ng MMDA na bumilis ang traffic sa EDSA sa mahigpit na pagpapatupad ng “yellow lane”, marami pa ring mga motorista ang nagreklamo.
Ilang motorista ang nag-post ng kanilang komento sa twitter at inireklamo ang matinding traffic sa EDSA.
Ayon sa tweet ng isang Gerry Good, sobrang traffic sa EDSA southbound, Lunes ng umaga. Isinisi nito sa pagpapatupad ng “yellow lane” ang matinding traffic.
Si Jam Alvarez naman, sinabing sa kabila ng grabeng traffic sa EDSA ay pinipilit niyang maging maganda ang simula ng linggong ito para sa kaniya.
Ayon naman kay Jean Lander Ago, ito na ang maituturing na “worst Monday traffic ever”.
Ito ay makaraang maipit siya sa matinding traffic bago pa man makasapit sa EDSA.
Maging si Jasmine Valerio ay pinuna ang matinding traffic sa EDSA.
Sa pahayag ng MMDA, sinabing nabawasan ang pagsisikip sa daloy ng traffic sa EDSA dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng “yellow lane”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.