Sa pagharap ni Duterte sa media, sinabi niyang bagaman naniniwala siyang may pananabotaheng nagaganap sa MRT-3, hindi na aniya siya magdadahilan pa tungkol sa nagyari.
Giit naman ng pangulo, hindi ito isang “excuse” lamang kundi isang anggulong dapat tingnan sa mga pangyayari.
Wala aniya silang ibang maiaalok kundi ang paghingi na lamang ng paumanhin sa publiko dahil sa aberyang idinulot nito sa kanila.
“But this is not an excuse actually. We offer no excuse, but apologies maybe to the public for the inconvenience caused,” paliwanag ng pangulo.
Matatandaang napag-alaman na nawawala ang “messma card” sa nakalas na bagon o ang card na nagre-record sa lahat ng mga nangyayari sa tren ng MRT.
Ayon sa pangulo, ang pagkawala pa lang ng bahaging ito ay isa nang indikasyon ng pananabotahe.